My Choir Leader's Mom was Hospitalized

Just wanna share our experience last night regarding this hospital. Let me hide its identity with its initials "DH"

Yung mom ng choir leader namin, dinala sa hospital na ito for admission dahil sa struggle sa paghinga. However, matapos ng ilang oras at wala pang ibang tests, nagdecide agad ang hospital na lagyan ng tubo si nanay. Ang dilemma, 10k per hour ang bayad sa apparatus ni nanay; and need ma-admit sa ICU, kaso nanghihingi ng downpayment ang hospital ng 70k before the admission, and 80k per day ang bill pag na admit na sa ICU. So nagdecide ang family na ilipat nalang si nanay sa Heart Center, kaso hindi mailabas ng agaran si nanay kasi di pumapayag ung hospital na ilabas si nanay kung di pa complete ang bills payment. Imagine, wala pang kalahating araw si nanay sa DH, umabot na ang bill ng 36k. So nakapag bayad na. Ngayon ang problema, walang ambulance na maibigay ang DH for the transfer, so tumawag ang family sa Brgy para sa tulong, praise God may dumating naman, however, walang apparatus sa ambulance car para sa oxygen ni nanay, so kailangan namin bumili, good thing mayron naman ang DH pero another 5k for payment, wala ring sumamang nurse samin on the way sa Heart Center. Praise God, safe naman nailipat si nanay sa Heart Center at naasikaso ng maayos, salamat sa aming kaibigan na pari na si Fr. Rey sa pagtulong.

Anong point ko bakit ko na-ishare ito, ikaw at ako ay nag aambagan para sa kaban ng bayan, ngunit bakit hindi natin ito nararamdaman sa oras ng kagipitan?
Sa ibang bansa for free ang mga hospital fee.
Pero dito sa atin, kailangan mayaman ka para gumaling ka. Pag mahirap ka, bawal ka sa private. Sobrang mahal mabuhay kung iisipin, pero kung may mga taong may malasakit, siguro maraming malakas ngayon at nagagabayan ang kalusugan, mayaman man o hindi.

Ngayong eleksyon, isipin nating mabuti kung sino ung mga taong mayroong totoong malasakit. Sa mga taong ginagawang negosyo ang hospital, para na pong awa, i-justify po natin ung mga serbisyong ibinibigay po natin sa ating mga pasyente. Un lamang po marami pong salamat.

Comments

Popular posts from this blog

Mother’s Day 🤍

Dreams Do Come True ✨

First Valentine’s Day!