My Conversion Testimony
I drafted this testimony when I was giving a message to my colleagues, during our morning prayer time in school.
I am so blessed to be sharing this breakthrough to them and I pray that some way somehow, I have been a help to them.
—-
Let everything we do, be done with love.
1 Corinthians 16:14
This is my testimony when I was:
- Immature - since I was a kid, pabibo na ako, bidabida laging nasa harap at ang mga consequences na hinarap ko: pressured kung gagradute ba ako, kung makakapasa ba ako sa thesis and practicum, kung mkakapasa ba ako sa LET, nabato ako ng maraming judgement from my family, friends, and lalo na sa mga hindi nakakakilala sa akin, na wala nang ibang hobby kundi tingnan ang mga mali sa pagkatao ko, at hindi ko kinaya, hindi ko hinarap yon, I was lost and I decided to left my church service.
- Depression - Noong grumaduate ako, year 2016, nagpakasubsob ako sa trabaho. Gusto kong umiwas sa ingay ng mundo. Dinamihan ko ang raket schedule- no social life , nagstop ako mag serve, galit ako sa mundo, araw araw umiiyak, nagkaroon ako ng symptoms ng depression, short memory loss, walang gana, anxious, nagsuffer rin ang future ko dahil hindi ako pumapasok sa LET review sessions.
- Everything was a rocky road!
- Until one day, I asked for a help because I was too much drowned.
This was what happened during my conversion experience - I prayed hard to God in tears asking Him to help me, heal me, and at the back of my mind, sisisihin ko ang sarili ko kapag di ako pumasa sa LET, walang nang ibang may kasalanan at kapabayaan kundi ako lang.
Then may nabasa akong scripture ang sabi:
“Fear not for I am with you Isaiah 41:10”
(Noong dark moments ko i realized na kinalimutan ko si Lord, I chose to turn my back on Him)
Then I received a message, yung leader namin sa service, kunumusta ako at tinanong bakit hindi na ako nagseserve. Sabi ko kasi I think hindi ko deserved. Sobrang makasalanan ko na kasi. Pinaalala niya lang yung role ni Lord sa buhay ko na ang simbahan ay hospital ng mga may sakit, ang tao nga na may ketong pinagaling nga Niya ehh. Hanggang one day, parang binulong sa akin ni Lord, “bumangon ka, magsimula ka ulit. Uumpisahan ko sa pagkapasa mo sa LET.
Hindi ako makapaniwala na napasa ko ang Licensure Examination for Teachers, nang hindi ako nagseryoso sa pagrereview at nasa down moment ako ng buhay ko. Sobrang nahihiya at the same time grateful ako kay Lord! At sabi ko para makabawi sa lahat, hinding hindi na ako titigil mag serve, in any form, in any way. Just to give back His glory and mercy.
Kahit ano pang ibato sa akin, hindi ako titigil, magseserve ako even without recognition becase it’s no longer I but Christ in me.
Year 2020, dumating ang
Pandemic. Lockdown, bawal makipag socialize, bawal lumabas, pero sabi ko nga kahit anong hindrance hindi ko na papayagan para hindi ako makapag serve.
Still, natulungan at nagabayan ko ang mga kabataan sa aming simbahan, at nakapag lector commentator ako sa mga online mass sa Parish.
I am happy to feel the presence of the Lord again, and that He always remains in me.
Galatians 2:20 No longer I but Christ in me.
To God be the Glory!
Comments
Post a Comment