Ayaw Ko Kay Leni

Last year I posted this long essay about Mama Leni, let me share it to you:


Ayaw ko kay Leni!


Ayaw ko kay Leni kasi babae siya, lutang siya, bobo siya, puppet ata ng dilawan, lugaw, nagdadasal lang pag may camera. 


Unang word palang ekis na. Stop stereotyping na porke babae, mahina na. Umpog kita sa muscles ni Hidilyn Diaz 🤣 char! Kidding aside, hindi kami BABAE LANG, BABAE KAMI! 💪 


Lutang siya kasi 18 hrs siya nagtatrabaho - char. Luluhod ako sayo kung wala kang lutang moments 🤣 Siya lamang ang politikong lutang, na mayroon lang namang highest audit rating sa COA for 3 consecutive years as VP of 🇵🇭 (COA - commission on audit - di yan peyk news nor tiktok news) 🤣


Bobo siya- Ekonomista, abogada, elected VP with highest rating at bago pa sumabak sa politika may nagawa na.


Puppet ata ng dilawan. “Ata” means di pa sure. So far kasi ang mga resibo ni Leni na lumalabas puro pagtulong sa mahihirap, pagprovide ng mass testing noong nagsimula ang pandemya, pagpo-provide ng libreng sakay sa mga frontliners noong nagkakagipitan sa sasakyan, kahit tinanggalan ng budget ng Malacañan, hindi tumigil sa pagtulong at nakita un ng taong bayan kaya maraming nagdodonate sa kanya. “Salute sa mga volunteers ni VPLeni” 💓 iba pa yung pagtulong na nagawa niya sa mga kababaihan, farmers, mangingisda, estudyante, at mga manggagawa.


Lugaw? At least essential. Alam mo ba ung essential? That means important. Alam mo ba ung important? That means mag-aral ka para malaman mo, hindi puro ka judge 🤣


Nagdadasal lang pag may camera, hindi na hawak ni Gng. Leni ang damdamin ng mga tao, minsan ang mga kakampinks, naipapahamak na rin si VP Leni, kasi sa bugso ng damdamin nila, tlagang kaproud proud naman tlaga at kadeserve deserve naman tlaga kuhaan ang bawat galaw niya. Kung minsan nga lang sumusobra na.


Ngayon ko na mas naiintindihan kung bakit ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Noon kasi ang mga magulang o matatanda, hindi masyadong nagsasaliksik ng background/status ng mga kandidato. Basta nalang makaboto, basta maganda pangalan goods na. Ngayon kasi ang nga kabataan, nagiging mas mapanuri at talagang naglalaan ng panahon para magkaroon ng kaalaman kung sino nga ba ang deserving manalo bilang lider nitong bansa yun bang tapat, matapang, hindi magnanakaw, walang sariling interes, may dignidad, may pagmamahal, may galaw, may napatunayan, marunong humarap at magdesisyon sa bawat pagsubok, at may malinaw na layunin. 


Conclusion:


Isang taon at mahigit na mula nang natalo tayo Kakampink 🌸 but still, Leni panrin! 💖

Comments

Popular posts from this blog

Dreams Do Come True ✨

Mother’s Day 🤍

First Valentine’s Day!