Biyaya ng Redirection
Minsan, ang akala nating "hadlang" ay isa palang masusing paggabay. Noong bago ako mag-kolehiyo, isang araw bago ang entrance exam sa aking dream school, hinarangan ako ng takot ng aking mga magulang dahil sa layo ng biyahe. Masakit man noong una, tinanggap ko ito at nagtapos "with flying colors" dito lang sa Quezon City. Doon ko natutunan na ang husay ay hindi nakadepende sa distansya ng paaralan, kundi sa tibay ng iyong determinasyon. Ngayon, muli akong hinamon ng isang bagong "redirection." Bagaman napatunayan ko ang aking kakayahan at nakapasok sa isa sa mga prestihiyosong Big Schools sa Metro Manila, kailangan ko itong bitawan. Hindi dahil sa kulang ako, kundi dahil mas kailangan ako ng aking anak at ng aking munting pamilya sa pagkakataong ito. Natutuhan ko na: • Validated Skills, Noble Choices: Ang pagkakatanggap sa akin sa isang malaking institusyon ay sapat nang patunay na mahusay ako sa aking larangan. Pero ang pagpili sa pamilya ay isang ma...