Biyaya ng Redirection

 Minsan, ang akala nating "hadlang" ay isa palang masusing paggabay. Noong bago ako mag-kolehiyo, isang araw bago ang entrance exam sa aking dream school, hinarangan ako ng takot ng aking mga magulang dahil sa layo ng biyahe. Masakit man noong una, tinanggap ko ito at nagtapos "with flying colors" dito lang sa Quezon City. Doon ko natutunan na ang husay ay hindi nakadepende sa distansya ng paaralan, kundi sa tibay ng iyong determinasyon.

Ngayon, muli akong hinamon ng isang bagong "redirection." Bagaman napatunayan ko ang aking kakayahan at nakapasok sa isa sa mga prestihiyosong Big Schools sa Metro Manila, kailangan ko itong bitawan. Hindi dahil sa kulang ako, kundi dahil mas kailangan ako ng aking anak at ng aking munting pamilya sa pagkakataong ito.


Natutuhan ko na:

• Validated Skills, Noble Choices: Ang pagkakatanggap sa akin sa isang malaking institusyon ay sapat nang patunay na mahusay ako sa aking larangan. Pero ang pagpili sa pamilya ay isang mas mataas na uri ng tagumpay.

• His Better Plan: Kung noong college ay naging maayos ang lahat kahit hindi nasunod ang plano ko, alam kong mas magiging maganda ang kabanatang ito dahil ang Diyos ang may hawak ng panulat.

Presence is the Greatest Lesson: Bilang isang guro, napagtanto ko na ang pinaka-importanteng estudyante na tuturuan ko ay ang sarili kong anak.

Masaya ako. Masaya ako dahil sa bawat "hindi" ng mundo, may mas malaking "oo" ang Panginoon para sa kapakanan ng aking pamilya. Ang bawat redirection ay hindi kawalan, kundi isang paanyaya para sa mas makabuluhang buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Philippians is known as the happiest book in the Bible, yet it was written in prison.

Loyalty is rare. If you find it, keep it.

Three Zero