An Open letter to my lola, uncles and aunties
Ikaw nanay ang nagsilbing ilaw naming lahat. Ikaw ang nagbigay sa amin ng kulay at buhay. Ikaw nanay ang pinaka masipag na tao na nakilala ko. Walang simunan at anumang sakit ang makapipigil sa passion mo, ang magtrabaho. Ikaw ang taong loyal sa pinanggalingan at mahal na mahal ang bayan. Kahit dekada kanang nakatira malayo sa iyong pinagmulan, ni hindi mo binago ang iyong kinaugalian at ang iyong inang wika. Ikaw nanay ang model o naming lahat. Totoong tao ka, matuwid at kung minsan masakit magsalita at magbigay ng komento ngunit nangingibabaw parin ang kagandahan ng iyong pagkatao at pagiging mapagmahal. Salamat nanay, salamat sa lahat. Salamat sa mahabang kwento na inipon mo para sa mga anak at apo mong dumadalaw sayo. Mangungulila ako sa iyo, sa iyong presensya, sa mga kwento mong pang wansapanataym, sa tawa mong tatlong syllables lang at higit sa lahat mangungulila ako sa paulit ulit mong pagsabi kung gaano mo ako/kami kalangga. Sobra sobra ka rin naming mahal nanay! Sa aki