An Open letter to my lola, uncles and aunties

Ikaw nanay ang nagsilbing ilaw naming lahat. Ikaw ang nagbigay sa amin ng kulay at buhay. Ikaw nanay ang pinaka masipag na tao na nakilala ko. Walang simunan at anumang sakit ang makapipigil sa passion mo, ang magtrabaho. Ikaw ang taong loyal sa pinanggalingan at mahal na mahal ang bayan. Kahit dekada kanang nakatira malayo sa iyong pinagmulan, ni hindi mo binago ang iyong kinaugalian at ang iyong inang wika. Ikaw nanay ang modelo naming lahat. Totoong tao ka, matuwid at kung minsan masakit magsalita at magbigay ng komento ngunit nangingibabaw parin ang kagandahan ng iyong pagkatao at pagiging mapagmahal. Salamat nanay, salamat sa lahat. Salamat sa mahabang kwento na inipon mo para sa mga anak at apo mong dumadalaw sayo. Mangungulila ako sa iyo, sa iyong presensya, sa mga kwento mong pang wansapanataym, sa tawa mong tatlong syllables lang at higit sa lahat mangungulila ako sa paulit ulit mong pagsabi kung gaano mo ako/kami kalangga. Sobra sobra ka rin naming mahal nanay!

Sa aking mga tito at tita, isang beses ko lamang kayo nakitang magsama sama sa loob ng dalawampu't isang taon ng buhay ko. Hindi niyo po alam kung gaano kasaya ang dinulot niyo sa puso ko. Naisip ko lang, kung ako bilang pamangkin ay sobrang saya, ano pa kaya ang nararamdaman ni nanay at tatay nang makita kayong nagsama sama? hindi ko naiwasang manghinayang na sana nangyari rin ang pagkakataong ito nung buhay pa sila. Si nanay pa rin ang naging tulay para mabuo kayong ulit. Alam ko na mahal na mahal niyo ang isa't isa, at walang sinuman ang makapag babago nun. Naniniwala akong hindi dito magtatapos ang pagsasama sama ninyo, sana'y mas tumibay pa at lumalim pa ang relasyon ninyong magkakapatid. Dalangin ko na maulit muli ang pagsasama sama ninyo, at sa muling pagkikita, wala nang sakit at lungkot ang nararamdaman ng bawat isa bagkus pagmamahal at pasasalamat.
Ipagpatuloy natin ang iniwan ni nanay at tatay. Maraming magagandang alala ang ating atin pang ipunin. Para sakali mang makita na nating muli si nanay at tatay, marami tayong ibabaon na kwento. Kwentong pamilya, masayang pamilya, isang pamilya tayo, Francisco! 

Comments

Popular posts from this blog

Dreams Do Come True ✨

Mother’s Day 🤍

First Valentine’s Day!