This poem is dedicated to my lovie, Paolo Domingo as an appreciation to all the love that you give me. I love you so much.
Gaano kita kamahal?
Hayaan mong ilahad ko.
Minamahal kita sa lalim, lawak, at lawig na kayang abutin ng kaluluwa,
kung ang kamalaya’y naglaho na
sa pagwawakas ng pag-iral at minimithing pagpapala;
Minamahal kita sa antas ng pinakabanayad na pangangailangan
ng bawat araw; sa umaga ni sa gabi.
Minamahal kita nang malaya, tulad
ng pakikipagbaka sa karapatan;
Minamahal kita nang dalisay gaya
ng pagbibigay puri sa Maykapal.
Minamahal kita kalakip ng sidhi
ng mga nakaraang pighati, kasama
ng aking mga pananamplataya sapul
nang pagkabata.
Minamahal kita nang
may pag-ibig na tila aking naiwala,
minamahal kita sa bawat hininga, ngiti,
at luha.
At kung Kanyang hihirangin,
ikaw ay lalo ko pang iibigin kahit na sa oras na ang buhay ko ay pawiin.
Disclaimer: credits to the owner of thim poem.

Comments
Post a Comment